Pasang-awa
September 2, 2008, 7:45 pm
Filed under: School

Hindi ko alam if ano meron sa term na ‘to. Nakakalungkot kasi marami akong grades na mababa, halos bumagsak na nga eh. :cry:

Nakakahiya man sabihin pero muntik ko na ibagsak yung AUTHOR2 (Intactive CD) subject ko. Sa totoo naman kasi, medyo nasasabaw ako sa kanya. :roll: Pang set the member lang ata yung mga codes ko. At first, tanggap ko na siya na medyo bagsak ang aabutin kong grade. But after a few hours (kasama na dun yung pag pila sa registrar at malaman na wala pang available na author2) na realizee ko na bakit hindi ko try kausapin si Ms. Luna… :roll:

Ayun, tinanong ko if ano ba yung grades ko and if ano yung final percentage. Nasa 66% level ako. Konti na lang, pass na. So kinapalan ko yung mukha ko at tinanong if magagawan pa ba ng paraan yun para maging 1.0 (70% or pasang-awa). :( Ayun, naawa siya sa akin at sige daw pwede ko ayusin yung finals na pinasa ko since may point nga naman ako na kaunti na lang, makaka 70% na rin.

So humingi ako ng tulong sa friends ko. Special mention si FYU kasi sa kanya galing yung “prangkie codes”. :lol: Dahil sa codes na yun, umayos yung finals ko. At pinagbigyan ako ni Ms. Luna. :)

Sobrang nakakahiya lang dahil first time ko ginawa yung kapalan ang mukha at tanungin ang professor. :cry: Na ko-konsensya naman ako at parang iniwan ko sa ere yung girlfriends ko (Faye & Gold) at kailangan nila mag take ulit nung subject. :( I’m sorry! Tutulungan ko na lang kayo sa interface pero kayo na bahala sa codes. :lol: ;)

I learned a lot from this experience. Ang hirap pala nung feeling ng may bagsak. Ewan ko ba if paano tinatanggap nung ibang students yung failure nila. Sabi nga ni Faye, once lang dapat ‘to at hindi na maulit. For me, I think mas kailangan ko na mag seryoso lalo na’t graduating student ako. Mahirap magkamali ngayon. Hindi siya katulad ng highschool na kapag may 74 eh ok lang. Sa college, hangga’t bagsak ka, dapat mong ulitin. Ayaw ko tumulad sa mga ID no. 99-104 na hindi naka graduate on time. Wala ako balak mag 5th year ok?


No Comments Yet so far
Leave a comment



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>